Nag-isyu ng notice to airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na naghihikayat sa flight operators na iwasang magpalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bunganga ng bulkang Taal.
Ito ay dahil sa banta ng biglaang pagsabog at ash plumes na mapanganib sa mga sasakyang panghimpapawid.
Ayon sa CAAP ang vertical limit na nabanggit sa naturang notice mula sa surface ng bulkan ay hanggang 10,000 ft.
Una ng napaulat nitong gabi ng Huwebes na umigitng pa ang volcanic smog na naranasan sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite at karatig na lugar na nagbunsod sa mga lokal na pamahalaan na suspendihin ang mga klase dahila sa banta nito sa kalusugan.
Nananatili sa ngayon ang bulkang Taal sa Alert level 1 na nangangahulugang nasa abnormal na kondisyon ang bulkan.