-- Advertisements --
Naglabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM) bilang pag-iingat sa posibleng pagbagsak ng debris mula sa rocket ng China.
Nitong gabi ng Miyerkules kasi ay nagpakawala ang China ng Long March 7 rockets at malaki ang posibilidad nito na bahagi ng nasabing rockets ang babagsak sa bansa.
Ayon sa CAAP na maaring bumagsak ang debirs sa bahagi ng Bajo de Masinloc.
Ang nasabing lokasyon ay base na rin sa ipinalabas na drop zone mula sa abiso ng Civil Aviation Administration ng China.
Nagbabala ang CAAP na magdudulot ng matinding panganib ang nasabing debris kapag mabagsakan.