-- Advertisements --
Nais ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na higpitan ang drone regulations sa bansa.
Ayon kay CAAP Director General Capt. Manuel Antonio Tamayo, layon nito ay para makontrol ang paglaganap ng pagpapalipad ng drones lalo na sa mga paliparan.
Nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine National Police at Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagbuo ng nasabing polisiya.
Layon din ng nasabing regulasyon ay para maging ligtas ang mga eroplano sa bansa.