-- Advertisements --

Naitala ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang zero accident sa commercial aviation noong nakalipas na taon.

Sa isang pahayag ay sinabi ng ahensya na ito ay maituturing bilang isang malaking groundbreaking achievement ng CAAP pagdating sa aviation safety.

Bumaba naman sa 48% ang mga aksidente at mga seryosong aksidente noong 2024 kumpara sa naitalang aksidente noong 2023.

Ipinagmalaki rin ng CAAP na ang zero incident na nagbuwis ng buhay .

Ayon sa CAAP, patunay lamang ito na nananatili ang kanilang commitment para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga pasahero pati na ang air transportation system ng Pilipinas.

Sinabi rin nI CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo, na ang tagumpay na ito ay dahil sa pagpapatupad nito ng masusing monitoring sa mga air operators,certificate holders, at airlines.