Nakapagtala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng pagbaba sa mga nagpopositibo sa mga drug test sa nakalipas na taon ng 2024 bilang pagpapakita ng partisipasyon ng mga personnels nito sa isang drug-free workplace.
Nasa bilang ng 2,744 na mga personnels mula sa 44 na CAAP-operated na mga paliparan ang nagsagawa ng random drug testing noong nakaraang taon kung saan lima mula dito ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga.
Ito aniya ay nagpapakita ng mataas na pagbabago at improvement kumpara sa 16 positibo noong taon ng 2023.
Binigyang diin naman ni Chief Flight Surgeon of the Office of the Flight Surgeon and Aviation Medicine (OFSAM) Dr. Rolly Bayaban ang importansya ng pagsasailalim ng mga personnels sa drug-testing.
Aniya, ito ay para sa kaligtasan ng mga pasahero, iba pang crew at ng mismong publiko dahil sa pisikal at mental na lakas umano ng mga personnels nakasalalay ang kaligtasan ng mga ito.
Samantala, nagbigay din ng pahayag si CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo para sa mas pinaiigting na komitment ng mga ito sa public safety.
Ani Tamayo, pinakimportante sa pamunuan ng CAAP ang kaligtasan at kaayusan ng kanilang mga tauhan at lalo na ng mga pasahero. Aniya hindi ito isang regulatory equipment kung hindi isang vital measure para maprotektahan ang mga buhay ng mga pasahero at para mapanatili din ang operational excellence sa loob ng mga paliparan.