-- Advertisements --

Nangako ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na magsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa nangyaring pagbagsak ng eroplano sa Isabela.

Ang tagapagsalita ng CAAP na si Eric Apolonio ay nagsabi na ang mga probers ay mangongolekta ng mga piraso ng ebidensya sa crash site upang matukoy ang sanhi ng aksidente na ikinamatay ng piloto at ng mga pasahero.

Kukunin ng mga imbestigador ang emergency locator transmitter, engine at propeller ng eroplano, na mahalaga sa pagtukoy sa sanhi ng pagbagsak nito.

Matatandaan na noong Linggo, nakita ng isang K9 tracker team ang mga labi ng pasaherong si Emma Escalante 200 metro ang layo mula sa crash site.

Ang labi naman ng piloto, si Capt. Levy Abul II, ay natagpuan malapit sa lugar ng pinagbagsakan noong Disyembre 7.

Lumipad ang eroplano mula sa Cauayan Airport sa Isabela alas-9:30 ng umaga noong Nobyembre 30 at hindi ito nakarating sa Palanan Airport, kung saan inaasahang lalapag ito makalipas ang isang oras.