-- Advertisements --
plane debris
Plane debris/ Calamba PDRRMO photo

Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang naging aberya sa flight plan.

Sinabi ni CAAP spokesperson Eric Apolonio, na unang nagsumite ang piloto ng walong pasahero kung saan hindi naisama sa original na listahan ang asawa ng Australian national.

Dagdag pa nito na galing sa Maynila ang eroplano at sinundo ang mga biktima sa Dipolog Airport bago bumalik sa Manila kahapon.

Kinokolekta na ng CAAP ang mga communication system na nakarecord para malaman ang naging tunay na problema sa insidente.

Magugunitang patay ang siyam na katao na lulan ng eroplano ng ito ay bumagsak sa isang resort sa Monte Village, Brgy. Pansol, Calamba, Laguna.

Kinilala ang mga nasawi na sina Captain Jesus Hernandez ang piloto ng eroplano, First Officer Lino Cruz Jr (co-pilot), Dr. Garret Garcia, mga nurse na sina Kirk Eoin Badiola at Yamato Togawa, Ryx Gil Laput, Raymond Bulacja, Australian national at pasyente na si Tom Carr at asawang si Erma Carr.

Itinakbo naman sa pagamutan ang mga nasugatan na caretaker ng resort kung saan bumagsak ang eroplano na kinilalang sina John Ray Roca at Malou Roca, 49.