Pinaalalahanan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang publiko na bumabiyahe sa ibang bansa na laging ingatan ang kanilang mga pasaporte.
Sinabi ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio , na dapat ay tignan nilang mabuti ang proseso sa mga check-in at immigration process para maiwasan ang aberya.
Dagdag pa nito na kahit may mga kasama ang pasahero na dapat ay laging hawak nito ang kaniyang pasaporte.
Ipinayo din nito na kung maaari ay kuhanan muna ng larawan ang pasaporte bago ito ipasakamay sa mga immigration officers.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng reklamo ng isang pasahero na naiwan sa biyahe dahil umano sa pagkakaroon ng punit ang kaniyang pasaporte.
Naniniwala naman si Apolinario na walang maling nagawa ang mga immigration officers dahil bawat counters doon ay mayroong CCTV na nababantayan ang kanilang mga galaw.