-- Advertisements --

Sinimulan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring plane crash sa La Union noong Lunes, Mayo 21, 2024.

Sa isang pahayag sinabi ng naturang kagawaran na bumuo na sila ng inquiry and investigation board upang alamin ang sanhi ng naturang trahedya sa Barangay Canaoay sa bayan ng San Fernando.

Kaugnay nito ay nagpadala na rin ang ahensya ng kanilang mga imbestigador ukol dito.

Kung maaalala, batay sa mga ulat isang training aircraft ang sangkot sa naturang air accident na nagresulta naman sa pagtatamo ng injuries ng lulan nitong flight instructor at student pilot.