Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pinahinto na muna pansamantala ang mga operasyon ng Pilipinas Space Aviation Academy Inc. matapos masangkot ang isa sa kanilang mga aircraft sa isang aksidente ngayong umaga.
Ayon sa CAAP ang Cessna Plane na isang training aircraft na may registration number RP-C8595 na nagooperate sa ilalim ng naturang flying school ay nagcrash landing sa bahagi ng Brgy. Libsong sa Lingayen, Pangasinan bandang 8:01am ng umaga.
Dalawa ang nasawi sa pangyayari na isang piloto at isang student-pilot na agad namang isinugod sa ospital ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay.
Sa ngayon ay naglunsad na ng pormal na imbestigasyon ang mga otoridad para alamin ang dahilan ng inisdente habang grounded pansamantala at naghihintay din ng resulta ng imbestigasyon ang sangkot na paaralan.
Samantala, tiniyak naman ng CAAP na agad na magbibigay ng mga updates ang kanilang panig kapag natapos agad ang ikinakasang imbestigasyon sa insidente.