Handang-handa na ang mga paliparan sa buong bansa para i-accommodate ang lahat ng mga pasahero ngayong holiday rush.
Ito ang tiniyak ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa kabila ng pangamba ng iilan na magkaroon ng aberya.
Ayon sa ahensya, inaasahan na nila ang dagsa ng mga pasahero sa mga paliparan ngayong papalapit na ang pasko at ang bagong taon.
Ang pagtatayang ito ay batay sa ‘Oplan Byaheng Ayos Pasko 2024′ ng transportation department.
Kaugnay nito ay tiniyak ng CAAP ang kaligtasan ng mga byahero mula sa nasa 44 na paliparan na nakapaloob sa kanilang hurisdiksyon.
Sa isang pahayag ay sinabi ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo na ang mga hakbang nila ay layong mabigyan ng stress free travel ang mga biyahero.