-- Advertisements --
Aalalay na rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa airport authorities dahil sa buhos ng mga pasahero bago pa man ang Holy Week.
Ilang lugar kasi ang bawal nang bumyahe ang mgasasakyang pandagat dahil sa signal number one, ngunit tuloy naman domestic flights.
Ayon sa CAAP, karagdagang paghahanda ang kanilang ginawa upang matiyak na ligtas at maayos ang operasyon sa lahat ng commercial airports, lalo na sa peak days sa Abril 10 hanggang 18, 2022.
Isasagawa rin ng CAAP ang Maximum Deployment of Service, maging ang kanilang security personnel.
Matatandaang noong 2021, nasa 231,479 pasahero ang bumyahe kahit mahigpit ang health protocols, kaya ngayong mas maluwag na ay inaasahang mas dadami pa ang maglalakbay.