-- Advertisements --

Nagbigay ngayon ng katiyakan ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na hindi na mauulit pa ang nangyaring New Year’s Day air traffic na nakaapekto ng mga local at international flights.

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio na kanilang naayos na ang mga naapektuhang Communicaton, Navigation, Surveillance/ Air Traffic Management kaya natitiyak niyang hindi na ito magkakaroon ng aberya.

Lahat din aniya ng 42 CAAP -operated airports sa buong bansa ay mayroon ng standby generators sakaling magkaroon ng power failure.

Wala namang naging problema sa mga flight nitong Pasko kung saan tumaas ang mula 7 hanggang 10 percent ang bilang ng mga pasaherong bumiyahe.

Magugunitang noong Enero 1 ng taon ito ay maraming mga international at local flights ang naantala mataopos na bumigay ang power generators ng mga paliparan.