-- Advertisements --

Tiwala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na wala ng magiging aberya sa mga paliparan kapag natapos na ang maintenance ng Air Traffic Management Center.

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, na hindi na mauulit pa ang mga naranasang aberya sakaling natapos na ang pagsasaayos ng air traffic management cneter ng CAAP.

Kapag naayos na ay mayroong dalawang aparato na ang sasalo sakaling masira ang isa sa kanila.

Magugunitang magsasagawa ng corective maintenance ng air-traffic management center sa Mayo 17 mula alas-12 ng madaling araw hanggang alas-6 ng umaga.