Epektibo na raw sa Abril 1 hanggang 30 ang pagpapababa ng fuel surcharges sa mga eroplano.
Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB), mula sa Level 7 ay ibinaba ito sa Level 6.
Ang fuel surcharge sa ilalim ng Level 6 ay mula P610 hanggang P4,538 para sa mga international flights at P185 hanggang P665 naman para sa domestic destinations.
Pero depende pa rin ito sa layo ng biyahe.
Sa advisory na pirmado noong March 15, sinabi ni CAB Director Carmelo Arcilla na ang mga airlines na nais ipatupad o kolektahin ang fuel surcharge ay kailangan munang maghain ng kanilang aplikasyon sa kanilang opisina bago ang office on or before the effectivity period.
The equivalent conversion rate is USD1 to PHP55.02.
Nakahanda naman daw ang mga airline companies na ipatupad ang naturang fuel surcharge matrix at ito ay ipatutupad sa mga bibili ng ticket sa buwan ng Abril.
Isa rin sa mga airline company ang nagsabing ang pagpapababa ng fuel surcharge ay isang welcome development para sa mga pasahero.