BUTUAN CITY – Ang Cabadbaran City ang nag-uwi sa kamyunato ng Sadow Tu Agusan Dance Competition na syang highlight sa ika-57 na founding anniversary sa pagkakatatag sa lalawigan ng Agusan del Norte.
Dahil dito’y kanilang natanggap ang premyong ₱500,000 habang ang 1st Runner-up na bayan naman ng Jabongga ay tumanggap ng ₱300,000 at ang 2nd runner-up na bayan ng Tubay, ay nakatanggap naman ng ₱200,000.
Ang bayan naman ng Jabonga ang napiling best in street dancing, choreography at story line.
Nagkampyon din sa Sadow Float contest ang Cabadbaran City kungsaan kanilang natanggap ang premyong ₱100,000 habang ₱75,000 naman ang natanggp ng Remedio T. Romualdez (RTR) local government unit bilang 1st runner-up habang ang 2nd runner-up na Magallanes ay may premyo ₱50,000.
Ang bayan naman ng Buenavista ay ang napiling 𝗕𝗲𝘀𝘁 𝗶𝗻 𝗠𝘂𝘀𝗶𝗰𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 at 𝗕𝗲𝘀𝘁 𝗶𝗻 𝗖𝗼𝘀𝘁𝘂𝗺𝗲.