BUTUAN CITY – No comment sa ngayon ang lokal na pamahalaan sa Cabadbaran City, lalawigan ng Agusan del Norte matapos ma-disbar ng Supreme Court ang abogado nilang konsehal dahil sa infidelity matapos makumpirmang mayroon itong extramarital affairs at isang bigamous marriage.
Ito’y dahil hindi umano work-related ang nangyari kay City Councilor Lovejoy Quiambao, na hinatulang guilty sa 4 counts ng kasong Grossly Immoral Conduct sa ilalim ng Code of Professional Responsibility and Accountability na nagresulta sa kanyang disbarment.
Inilabas ng high court ang 24-pahinang desisyon kasama na ang pagpapamulta sa kanya ng kabuu-ang P400,001.00 mula sa bawat-bilang ng kasong grossly immoral conduct na kinabibilangan ng P100,001.00 sa second count at tig-P150,000.00 naman para sa 3rd at 4th count ng kaso.