-- Advertisements --
duterte presides cabinet meeting

Magkakaroon umano ng bahagyang pagbalasa si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mga miyembro ng kanyang gabinete.

Lumutang namana ng isyu na kabilang sa posibleng masagasaan daw ay sa Department of Agriculture na pinamumunuan ni Secretary Emmanuel Piñol.

Kamakailan lamang ay naging kontrobersiyal ang kalihim dahil sa kanyang paliwanag sa Reed Bank incident na kinasangkutan ng Chinese maritime vessel na binangga ang bangka ng mga Pinoy fishermen.

Gayundin ang iskandalo sa rice shortage noong nakaraang taon.

Posible umanong mailipat si Piñol sa Mindanao Development Authority.

Wala pa namang kumpirmasyon ang Palasyo sa naturang umugong na balita na “on the way out” na si Sec. Piñol.

Samantala ayon naman sa Pangulo na hinihintay pa lamang niya ang ilang performance evaluation ng mga department heads.

Inaasahan na ipapatupad ang pagbalasa bago ang pagsasagawa ng chief executive sa kanyang ikaapat na State of The Nation Address sa darating na Hulyo 22.