-- Advertisements --

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Cabinet Secretary Karlo Nograles na maging pansamantalang tagapagsalita nito.

cropped Karlo Nograles

Kasunod ito sa paghahain nang kandidatura para sa senador sa 2022 election ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa kaniyang “talk to the people” sinabi ng pangulo na dahil sa panuntunan na otomatikong “resigned” na ang isang kawani ng gobyerno na naghain ng kaniyang kandidatura kaya napili niyang si Nograles ang pansamantalang humalili.

Bukod kasi sa pagiging Cabinet secretary ay co-chairman din ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases si Nograles.