-- Advertisements --

Malaki umano ang posibilidad na ma-disqualify si Fernando T. Cabredo, tumatakbong kandidato sa District 3 ng Albay bilang kongresista kung papaboran ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyong isinampa ni Elmer Felix M. Pornel.

Sa kanyang petisyon sa Comelec, hiniling ni Pornel ang disqualification ni Cabredo sa pagtakbo bilang kongresista batays a sumusunod na mga dahilan:

  1. Si Cabredo ay nakatira sa Bacacay, Albay at ito ay sakopng District 1 hindi ng District 3 kung saan siya ay tumatakbo bilang kongresista.
  2. Habang namamasukan bilang staff ni dating District 3 Cong. Fernando V. Gonzalez, hindi ito nangangahulugan na umalis na sa Bacacay, Albay na sakop ng District 1 siCabredo upang maging residente ng District 3.
  3. Ang paminsan-minsang pagdalaw ni Cabredo sa district office ni Gonzalez sa Ligao City ay hindi rin nangangahulugan na siya ay residente na ng District 3.
  4. Si Cabredo ay unang nagparehistro bilang botante ng Ligao City na sakop ng District 3 noong Hulyo 3, 2018 lamang at kulang pa ng 51 araw upang siya’y maging ganap na residente at kuwalipikadong kandidato ng nasabing distrito.
  5. Hindi kanselado ang pagiging botante ni Cabredo sa Bacacay, Albay ng District 1 kaya lumalabas na siya’y isang “flying voter” sa District 3.
  6. Ipagpalagay umanong umalis sa kanyang tirahan sa Bacacay, Albay si Cabredo at lumipat sa Ligao City upang magingbotante noong Hulyo 3, 2019 (314 days o kulang ng isang taon na paninirahan) simula noong Hulyo 3, 2018 (araw ngpagpapatala niya bilang kandidato para sa May 13, 2019 district election, kapos pa rin ng 51 araw ang kanyangresidente sa District 3. (Section 6, Article VI, 1987 Constitution)

Sa ilalim ng Section 1, Rule 25 ng Comelec Rules on Procedure, inilarawan nito si Cabredo bilang taong “hindi nagtatagalay ng lahat ng mga kuwalipikasyon ng isang kandidato alinsunod sa Konstitusyon o sa ilalim ng umiiral na batas o nakagawa ng mgapaglabag upang maging batayan ng diskuwalipikasyon.”

“Hindi kuwalipikado si Fernando V. Cabredo bilang kandidato para sa Kongreso sapagkat kulang siya ng 51 araw upang maging na residente (ng District 3) kung pagbabatayan ang Sec. 6, Article VI, 1987 Constitution,” pahayag ni Pornel sa kanyang petisyon.

Ayon kay Pornel, idinaan sa “pandaraya” ni Cabredo ang paghaharap niya ng certificate of candidacy (CoC) noong Oktubre 17, 2018 bilang kandidato para sa Kongreso.

“Batay sa mga saligang binanggit ko sa itaas at malinaw kongnaisalarawan, hinihiling ko sa Comelec na ideklarang‘disqualified’ si Cabredo at pawalang-bisa ang kanyangkandidatura sa 3rd District ng Albay sa darating na May 13, 2019 congressional elections,” giit ni Pornel sa kanyang petisyon.

Dagdag pa ni Pornel, dapat lamang na maging matalino ang mga botante sa third district ng Albay sa kanilang iluluklok na lider na tapat na magseserbisyo sa kanyang nasasakupan.

Sa ngayon, inaantay pa ang kasagutan ni Cabredo sa naturang mga alegasyon.