-- Advertisements --

dave1

Narekober na ang cadaver ng isa sa pitong ASG fighters na napatay sa sea encounter noong nakaraang Martes, November 3, sa may bahagi ng Sulare Island sa probinsiya ng Sulu.

Ayon kay JTF Sulu commander M/Gen. William Gonzales, bandang alas-2:00 ng hapon kahapon ng marekober ang isang bangkay sa may karagatan ng Barangay Kangalan, Tapul, Sulu ng mga tauhan ng Philippine Army Special Forces kasama ang mga tauhan ng PNP at mga mangingisda sa lugar.

Sinabi ni Gonzales, base sa isinagawang inisyal na imbestigasyon at dental forensics, nakilala ang narekober na cadaver na si Dave Sawadjaan na pamangkin ni ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan, pinsan naman ni Mundi Sawadjaan at kapatid ng napatay na si alias Urot.

Nakita ang cadaver ni Dave na palutang-lutang ng 2nd Special Forces Battalion sa Tapul Island, Sulu na may layong 20 kilometro east sa encounter site.

Batay sa initial forensic, tugma na siya si Dave Sawadjaan na siyang nag-match sa description ni Dave Sawadjaan na isang bungal at walang ngipin sa harap.

Nagtamo din ito ng tama ng baril sa tiyan na lumabas sa hips nito.

dave

“It is possible that some of the cadavers have also resurfaced. This is a major development and the our troops will continue the search and retrieval operations,” pahayag pa ni Gen. Gonzales.