Narekober na umano ang bangkay ng German hostage na pinugutan ng ulo ng bandidong Abu Sayyaf sa Sulu matapos di ibinigay ang hiling na P30 million ransom kapalit sa kalayaan ng bihag.
Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo mula Sulu na nakita na umano ang cadaver sa may bahagi ng Indanan.
Pero hindi ito kinukumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Joint Task Group Sulu Commander Col. Cirilito Sobejana kaniyang sinabi na ongoing pa rin ang kanilang effort para marekober ang cadaver ni Juegen Kanther.
Pahayag ni Sobejana lahat ng mga posibleng paraan ay kanilang ginagawa para marekober ang bangkay.
Nakikipag ugnayan na rin sila sa mga local government units lalo na sa mga barangay officials para tulungan sila para makita ang bangkay.
Dagdag pa nito na bukod sa paghahanap sa bangkay ni Kanther tuloy tuloy pa rin ang kanilang operasyon para ma-rescue ang iba pang mga bihag.
Positibo naman si Sobejana na kaya nilang i-neutralize ang teroristang grupo sa loob ng anim na buwan.
Tinukoy din ng opisyal na grupo Muamar Askali alias Abu Rami ang may hawak sa German hostage.