Kinumpirma ngayon ng Philippine National Police (PNP) na kanilang ng tinurn-over sa pamilya ang bangkay ng napatay na NDF consultant na si Randall Echanis matapos ang isinagawang validation and verification.
Nakikipag-ugnayan na ang QCPD sa Misis ni Randall na si Erlinda Echanis.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac,matapos ang dalawang araw na pag-aanalyzed ng Quezon City Police District (QCPD) at na conclude na ang bangkay na unang na-identify na si Manuel Santiago at Randall Echanis ay iisang tao.
Nagpaliwanag naman ang PNP kung bakit hindi agad na turn-over ang bangkay ni Echanis sa pamilya.
Sinabi ni Banac, naging maingat lamang ang PNP sa kaso at ang mahalaga matukoy ang tunay na pagkakakilanlan ng biktima lalo na at iba ang identification card na nakuha ng PNP sa crime scene.
Siniguro ng PNP na hindi sila titigil hanggat hindi matukoy kung sino ang nasa likod sa pamamaslang kay Echanis at sa kasamahan nito na si Louie Tagapia.
Robbery ang isa sa mga anggulo ng kaso ang tinitignan ng PNP.
Ayon kay QCPD Director BGen. Ronnie Montejo, ibinigay ng pamilya ni Echanis ang specimen ng right thumb mark nito na kahalintulad sa isinagawang post-mortem fingerprint sa bangkay.
Sinabi ni Montejo, nagtungo sa QCPD,CIDU ang mga abogadong sina Atty Luz Perez at Carlos Montemayor at sinabing ang tunay na pangalan ni Manuel Santiago ay si Randal Anacleto B. Echanis.
Kahapon Miyerkules, natanggap ng CIDU ang kopya ng resulta sa examination findings at sinasabi na ang fingerprint sa ID ni Echanis ay kapareho sa right thumb mark ni Manuel Santiago.
Ang resulta ay inilabas ng QCPD Crime Laboratory Office.