-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagdulot ng takot sa mga sibilyan nang paputukan ng mga myembro ng New Peoples Army (NPA) ang detachment ng Cafgu sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay 39th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer Lt/Colonel Geoffrey Carandang na pinaputukan ng mga NPA ang detachment ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) sa Barangay Villaflores Makilala Cotabato.

Agad namang gumanti ng putok ang mga Cafgu kaya umatras ang mga rebelde.

Walang nasugatan sa panig ng mga Cafgu habang hindi matiyak sa mga rebelde.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang combat clearing operation ng 39th IB at Cafgu laban sa mga umatakeng NPA sa bayan ng Makilala Cotabato.