Patay ang isang CAFGU member matapos pagbabarilin sa Purok Lapu-lapu, Barangay Commonwealth, Aurora, Zamboanga del Sur.
Kinilala ang biktima na si Jimmy Cane Laruscain, 43 anyos, aktibong CAFGU member ng 53rd Infantry Battalion at residente ng Purok Rubia, Barangay Kahayagan East sa parehong bayan.
Kinilala naman ang suspek na si Nissan Uba, 48 anyos, foreman at residente ng Purok Voganvilla, Barangay Cabatan, Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur.
Sa report ng pulisya, nagtungo umano ang biktima sa isang construction site kung saan nagtatrabaho ang suspek upang humingi ng larawan nito ngunit nauwi umano sa matinding pagtatalo ng tumanggi ang suspek na syang dahilan naman upang barilin nito ang biktima ng makailang beses.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan si Laruscain at isang saksak sa likod na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Nakuha naman sa crime scene ang dalawang basiyo ng calibre 45 na pistola.
Samantala, nagsasagawa na ng pursui operation ang mga otoridad para sa possibleng pagkakahuli ng supek.