DAVAO CITY – Patay ang isang kasapi ng CAFGU matapos mabangga ng isang motorsiklo habang binabaybay ang isang highway sa Sitio Camarag, Brgy Tambobong, Baguio District pasado alas 10;00 kahapon ng umaga.
Nakilala ang biktima na si Arnolfo Fulgencio, 45 -anyos, taga Brgy. Tambobong, habang ang nakabangga ang nakilala na si John Paul Malinao,18-anyos na taga Brgy. Baguio Proper nitong lungsod at may angkas na 17-anyos
Sa imbistigasyon sa traffic section ng pulisya, ang dalawang motorsiklo ang bumyahe sa magkabilang lane ngunit bigla umanong nawalan ng kontrol ang 18 -anyos na nagmaneho ng xrm sa motor sa palikong daan dahilan upang dumiritso sa kabilang lane.
Dahil sa malakas na pagkabangga, tumilapon ang biktima habang ang kanyang ulo ay napuruhan na agad naman nitong ikinamatay. Samantala dinala naman ang 18-anyos at angkas nito na 17-anyos sa ospital dahil sa natamong sugat sa kanilang katawan.