-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay on the spot ang isang myembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ng itoy pagbabar ilin ng riding in tandem suspects sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Danny Avila,53 anyos, may asawa,kasapi ng Civilian Active Auxiliary (CAA) at residente ng Barangay Bato Makilala Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya na bumili lamang ng isda ang biktima sa gilid ng kalsada sa Barangay San Vicente Makilala Cotabato ng itoy pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo.

Agad binawian ng buhay ang Cafgu nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Makilala PNP sa pamamaril patay sa biktima.