-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Naisugod sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang isang kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) nang pumutok ang kanyang baril sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Insuh Sandiali, 35, CAFGU sa ilalim ng 38th Infantry Battalion Philippine Army at residente ng Brgy Langkong, Barira, Maguindanao.
Ayon sa ulat ng pulisya na nagmamadali umanong umalis ang biktima sa kanyang tahanan patungo sa kanilang detachment nang aksidenteng pumutok ang baril nito at tumama sa kanyang binti.
Dali-dali dinala ng kanyang mga kamag-anak ang CAFGU sa CRMC sa Cotabato City.