-- Advertisements --
Niyanig ng 4.5 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Caraga Region.
Naitala ito kaninang pasado alas-5:00 ng umaga at may lalim na 10 kilometers.
Tectonic ang pinagmulan nito o resulta ng paggalaw ng malalaking bato sa nasabing rehiyon.
Natukoy ang epicenter sa layong 50 km sa hilagang silangan ng Cagwait, Surigao del Sur.
Nairehisto ng Phivolcs ang intensity 2 sa City of Bislig, Surigao del Sur, habang Intensity 1 naman sa City of Tandag, Surigao del Sur.