-- Advertisements --
Binigyang-diin ni Cagayan Governor Manuel Mamba na nangibabaw ang hustisya nang ibasura ng Comelec en banc ang petition for disqualification na inihain laban sa kanya ng katunggaling si Zara Lara.
Sinabi ni Mamba na tagumpay ito ng 302,025 Cagayanos na bumoto at nagtiwala sa kanya at patunay kung gaano kabuti ang Panginoon upang mangibabaw ang katotohanan.
Idinagdag ng gobernador na bawat Cagayano na bumoto sa kanya ay batid na wala siyang biniling boto noong eleksyon, at pinagsikapan niyang mabigyan ng mabuting pamamahala ang kanilang lalawigan.
Kasabay ng pasasalamat sa Commission on Elections (Comelec) ay ipinangako ni Mamba na gagampanan nito nang mahusay ang tungkulin hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2025.