-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Calayan, Cagayan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs-DOST), naramdaman ang lindol dakong alas-9:07 nitong gabi ng Miyerkules.

May lalim ang sentro ng lindol sa 56 kilometers.

Naramdaman naman ang intensity 3 sa Calayan, Abulug at Aparri sa Cagayan, Ivana, Uyugan at Sabtang sa Batanes.

Habang intensity 2 naman sa Basco, Batanes.