-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang probinsiya ng Cagayan nitong madaling araw ng Lunes.

Ayon sa PhiVolcs naganap ang lindol ng alas-2:22 ng umaga at ito ay may lalim ng 28 kilometro.

Nakita ang epicenter nito sa Dalupiri Island na bahagi ng bayan ng Calayan at Babuyan Island.

Inaalam pa ng Phivolcs kung mayroong mga damyos na naitala dulot ng lindol at nagbabala sila ng pagkakaroon pa ng aftershocks.