-- Advertisements --
Magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang buntot ng frontal system at easterlies sa Cagayan Valley at apat pang mga lugar sa bansa.
Ayon sa Pagasa, maliban sa Cagayan Valley, mararanasan din ang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat sa Cordillera Administrative Region (CAR), Aurora, Quezon at Bicol Region.
Habang ang hanging amihan naman ang magdadala ng maulap na kalangitan na may kasamang ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Central Luzon at Calabarzon.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay maaapektuhan ng umiiral na easterlies, at magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rain showers o thunderstorms.