-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Target ng mga opisyal mula sa Albay na isailalim sa rehabilitasyon ang Cagsawa Ruins malapit sa bulkang Mayon.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Ting Armero ng Daraga Municipal Tourism Office na pinaplantsa ng local officials ang pagpapaganda at pagsasaayos ng atraksyon.
Plano rin daw kasi ng mga ito na isali sa “8 Wonders” ng Pilipinas ang nasabing tourist spot sa lalawigan.
Ayon kay Armero, magandang pagkakataon ang plano ng mga opisyal para madagdagan pa ang mga turistang bumibisita sa lugar.
Kaugnay nito patuloy ang paghahanda ng ahensya sakaling matuloy ang pagbisita ng mga kandidata ng Miss Earth 2019.