-- Advertisements --

Napili bilang No.1 overall pick ng 2024 WNBA draft si Caitlin Clark.

Ang dating Iowa Hawkeye star ay nakuha ng Indiana Fever.

Tinagurian siyang bilang NCAA Division I all-time leading scorer sa men’s and women’s basketball at women’s record holder ng may pinakamaraming puntos na nagawa sa isang season.

Makakasama ng 22-anyos na si Caitlin si Fever forwrad Aliyah Boston na naging 2023 WNBA Rookie of the Year at number 1 draft pick noong nakaraang taon.

Matapos kasi ang pagkatalo ng Iowa sa South Carolina noong NCAA Championship Game ay dalawang araw lamang ito nanatili sa kanilang bahay at lumipad patungong Los Angeles at New York para sa draft.

Itinuturing ni Clark na ang pagkakapili sa kaniya bilang number 1 pick na isang suwerte sa kaniyang basketball career.