-- Advertisements --

Naitala ng Department of Health ang pinakamataas na kaso ng dengue ngayong taon sa Calabarzon region na umaabot na sa kabuuang 15,108 cases.

Sinusundan ito ng National Capital Region na may 13,761 cases at Central Luzon na mayroong 12,424 na kaso.

Batay sa datos ng ahensya , sumampa na sa kabuuang 76,425 ang kaso ng dengue sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Marso 15 ng kasalukuyang taon.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang 42,822 dengue cases sa parehong panahon noong 2024 katumbas ng 78% dengue outbreak rate.

Sa isang panayam ay sinabi ni DOH Sec. Ted Herbosa, kada tatlo hanggang limang taon ay nagkakaroon talaga ng dengue outbreak.

Dahil dito ay pinayuhan ng ahensya ang publiko na ugaliing maglinis ng kapaligiran para maiwasan ang pagdami ng lamok na maaaring may dalang dengue virus.

Kabilang na aniya sa kailangang linisin o alisin ay ang mga breading grounds ng lamok.

Sa ngayon, nananatili sa 0.41% ang fatality rate o bilang ng mga pasyenteng nasasawi dahil sa dengue.