-- Advertisements --

Bumuo na ang Police Region Office – CALABARZON ng special investigation task group (SITG) na tututok sa pagpatay sa mag-asawang Australian kasama ang isang Pinay sa Tagaytay City.

Maalalang noong Miyerkules, July 10, ay natagpuan ang katawan ng mag-asawa: isang 57-anyos na lalaking Australlian at ang kanyang asawa na 55-anyos na Pinay ngunit nakakuha na ng Austriallian citizenship.

Kasama ng dalawa ang babaeng anak ng Pinay na 30-anyos.

Sa naunang ulat ng pulisya, ang katawan ng tatlo ay nakitang nakahandusay sa kanilang hotel sa Tagaytay, nakatali ang mga kamay at mga paa, habang ang mga bunganga ay silyado ng packing tape.

Batay sa nakuhang closed-circuit television footage sa naturang hotel, nakita rito ang isang lalaki na nakasuot ng hoodie at naglakad sa hallway ng luxury hotel.

Ang naturang lalake ang pinaniniwalaang gumawa sa karumal-dumal na krimen.

Tiniyak naman ni Calabarzon Police Regional Director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas na mananagot ang sinumang responsable sa naturang krimen.