-- Advertisements --

Matindi ang naging babala ni PRO-4A Regional Police Director BGen. Vicente Danao Jr., laban sa mga pasaway nitong mga tauhan na patuloy na nagbibigay ng negatibong imahe sa kanilang organisasyon.


Banta ni Danao sa mga tinaguriang rouge cops, dalawa lamang ang kanilang pagpipilian una masisibak sila sa serbisyo o mamamatay ang mga ito.

Sinabi ni Danao, kaniyang sisiguraduhin na may kalalagyan ang mga pasaway na pulis at hindi nito hahayaan na mamamayagpag ang mga ito.

Ang naging pahayag ni Danao ay bunsod sa ikinasang illegal arrest ng mga tauhan ng Kawit PNP laban sa isang babae na umanoy isang drug suspek.

Sinabi ni Danao kahit suspek ang isang indibidwal, may karapatan pa rin ito na dapat respetuhin.

Inihayag naman ni Danao, na pinaigting din nila ang Oplan-Tokhang kung saan may isinasagawang inventory ngayon ang PNP sa mga pangalan na posibleng mga drug personalities sa Calabarzon.

Sinabi ng heneral ang pag update nila sa kanilang listahan laban sa mga drug personalities sa rehiyon ay bunsod sa mga malalaking halaga ng mga iligal na droga na nakumpiska ng kaniyang mga tauhan.