-- Advertisements --
Isa ng ganap na tropical depression ang low pressure area at pinangalan itong si “Leon”.
Ayon sa PAG-ASA nakita ang sentro nito sa may 185 kilometers ng northwest ng Coron, Palawan.
May dala itong lakas ng hangin ng 45 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 55 kph.
Nakataas naman ang signal number 1 sa Calamian Island.
Inaasahan na magiging isang ganap na severe tropical storm category sa loob ng 48 na oras.
Nagbabala ang PAG-ASA na magdudulot ng malakas na pag-ulan ang bahagi ng Palawan kabilang na ang Kalayaan, Calamian, Cuyo Islands at Occidental Mindoro.
Ganun din ang bahagi ng Visayas, Bicol Region, CALABARZON, Central Luzon, MIMAROPA, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Metro Manila, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.