Nakahanda umano ang pamahalaan na tugunan ang masasamang epekto ng El Niño phenomenon lalo na’t ayon sa Department of Budget and Management ay nasa higit P15-B pa ang pondo ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund o ang calamity fund ng bansa.
Ayon sa ahensiya, halos P5-M pa lang ang nagastos sa calamity fund ng bansa mula sa P20.5-B na alokasyon nito sa 2024 national budget.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang disaster fund ay ginagamit para sa aid, relief, at rehabilitation services ng mga naapektuhan ng natural o human-induced disasters na kailangang aprubahan ng pangulo.
Bukod sa calamity fund ay naglaan din ang gobyerno ng P4.5-B na pondo para sa Crop Insurance Pogram ng Philippine Crop Insurance Corporation.
Sa huling tala, mahigit 100 siyudad at munisipalidad na ang nasa ilalim ng state of calamity dahil sa tagtuyot kabilang na ang mga lalawigan ng Iloilo, South Cotabato, at Antique.