Nauubusan na umano ng pondo ang mga lokal na pamahalaan na kabilang sa mga apektado ng pagputok ng bulkang Taal.
Sa press briefing sa MalacaƱang, sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na paubos na partikular ang calamity fund ng mga kinauukulang local government units (LGUs).
Ayon kay Usec. Densing, dahil na rin ito sa hindi pa nasisingil na bayad na manggagaling sana sa land taxes at business permits.
Nakikita namang solusyon ng DILG ang makahugot ng pondo sa Batangas provincial government at makausap ang Kongreso para sa additional funding.
Kaugnay nito, inihayag ni Usec. Densing na nag-commit na si House Speaker Alan Peter Cayetano na makipagpulong sa kanila para mapag-usapan ang problema sa pondo ng mga LGUs.
Maaari rin umanong makatulong dito ang Office of the President (OP) para maglaan ng karagdagang pondo sa relief operations.