-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Calatagan, Batangas.

Naramdaman ito dakong alas-11:08 nitong Biyernes ng gabi, Agosto 13.

Ayon sa Phivolcs ang sentro ng lindol ay may lalim na 113 kilometers.

Itinuturing ng Phivolcs na ito ay aftershocks pa rin sa nangyaring magnitude 6.6 na lindol na naramdaman sa Calatagan noong pang Hulyo 24.

Naramdaman naman ang intensity 4 sa Puerto Galera, Oriental Mindoro habang intensity 2 naman ang naitala sa Pasig City, Quezon City at Obando, Bulacan.