-- Advertisements --
image 543

Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang bahagi Calayan, Cagayan kaninag alas-7:32 ng umaga.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), namataan ang epicenter ng nasabing lindol sa bahagi ng Dalupiri Island, may lalim itong 43 kilometro, at tectonic ang origin nito.

Kaugnay nito ay niyanig naman ng Intensity III ang mga lalawigan ng Pasuquin, Ilocos Norte; at San Antonio, Zambales.

Intensity II – Laoag City, Ilocos Norte; Narvacan, Ilocos Sur; Ilagan, Isabela;

Intensity I – Penablanca and Gonzaga, Cagayan; Batac, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur; Santol, La Union

Samantala, iniulat naman ng PHIVOLCS na walang anumang pinsala ang naitala bunsod ng nasabing lindol ngunit nagbabala ito sa mga posibleng aftershocks na mararamdaman sa nasabing lugar.