Bumida si Caleb Martin sa kanyang career-high na 28 points para dalhin sa panalo ang Miami Heat laban sa Milwaukee Bucks, 113-104.
Pansamantalang ipinasok sa starting line up ng Heat si Martin upang palitan ang injured na si Jimmy Butler.
Gumana naman sa opensa si Martin na naipasok ang anim sa walong pagtatangka sa 3-point areas para iposte ng Heat (15-11) ang franchise record na 22 mga 3s laban sa NBA champions.
Hindi rin nagpahuli sa kanilang performance sina Kyle Lowry na may 22 points at 13 assists habang si Max Strus ay naipasok lahat ang kanyang tira sa fourth quarter na 16 puntos para tuldukan ang tatlong sunod-sunod na talo sa kanilang teritoryo.
Sa panig ng Bucks (16-10) umiskor si Jrue Holiday ng 27 points at si Khris Middleton ay nagtapos sa 20.
Ang two-time MVP na si Giannis Antetokounmpo ay nalimitahan lamang sa 15 points o katumbas sa 4-of-13 shooting mula sa field.