KORONADAL CITY – Pinalawig pa ng 10 araw ang ipinapatupad na calibrated total lockdown sa probinsya ng South Cotabato.
Ito ang inihayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. batay sa ipinalabas itong Executive Order No. 21 na nag-aamyenda sa EO 18 kung saan inaasahang magsisimula ang extension ngayong araw, Abril 4 at magtatapos ito sa Abril 14, 2020.
Ayon kay Gov. Tamayo, ginawa nito ang nasabing extension dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kumpirmadong kaso sa karatig na mga lalawigan sa loob ng ilang araw.
Inihayag ng gobernador na ipinairal ang nasabing kautusan matapos ang pakikipagpulong sa South Cotabato Integrated Provincial Health Office at Philippine Medical Society-South Cotabato chapter.
Subalit ipinaliwanag nito na nananatili pa rin ang mga patakaran na ipinapatupad ng EO 18 sa nasabing bagong kautusan.