-- Advertisements --
Ginamit ni Solicitor General Jose Calida sa pagtatanggol sa Anti-Terrorism Act of 2020 ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga sumusunod sa batas na mamamayan ay walang dapat ikatakot kung hindi sila terorista.
Ito ang kabilang sa naging pahayag ni Calida sa pagpapatuloy ng oral arguments ng 37 consolidated petitions laban sa anti-terrorism law.
Isinagawa ni Calida ang pahayag ng Pangulong Duterte matapos ang kaniyang 45 minutong paglatag ng 17 argumento na komokontra sa nasabing batas.
Muling iginiit ni Calida sa Korte Suprema na ang mga petitioners na sina Atty. Neri Colmenares at mga party-list groups gaya ng Gabriela at Bayan Muna ay iniuugnay sa mga communist rebels.