Pinuna ni Solicitor General Jose Calida ang pahayag ni Vice Pres. Leni Robredo na tila dinidepensahan nito ang pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ito’y makaraang harangin nito ang bayad danyos sanang matatanggap ng martial law victims mula sa naibentang paintings ng mga Marcos sa Amerika.
Ayon kay Calida, kasinungalingan ang akusasyon ni Robredo lalo na’t hindi raw biro ang ginagawang trabaho ng kanyang tanggapan sa loob ilang dekada para mabawi ang sinasabing nakaw na yaman ng pamilya Marcos.
“Her statements are outright lies. She must be confused,” ani Calida.
“Her statements demean and belittle the work the OSG and its lawyers have been doing for decades to recover ill-gotten wealth. We have always been committed to advancing the interests of the Republic, and we will continue to do so,” dagdag pa nito.
Iginiit din nitong lugi ang mga beterano ng batas militar sa ilalim ng settlement agreement na inaprubahan sa Estados Unidos.
Kinuwestyon ni Calida ang $4.12-million na bayad sa mga abogado ng class suit na kukunin mula sa $13.75-million settlement.
“Their lawyer Robert Swift has sought a hefty $4.125 million in attorney’s fees out of the $13.75 million, while the rest would be divided among the 6,500 claimants, who will receive a measly $1,500 each. How in the world can you say that is fair or just?”
Sa nakaraang statement nito sinabi ng OSG na disadvantegeous o hindi kapaki-pakinabang para sa gobyerno ang matatanggap nito ng halos $10-million na hahatiin sa 6,500 biktima.
Bagay na sinalungat ng ilang martial law veterans, dahil dati na raw sumang-ayon dito ang tanggapan ni Calida.
Sa May 1 itinakda ang unang araw ng distribusyon sa naturang bayad danyos matapos pagtibayin ng isang hukom sa Amerika ang kautusan ng pamamahagi nito.