Inatasan ni California Governor Gavin Newsom ang kaniyang mga mamamayan na manatili na lamang sa loob ng kanilang mga kabahayan at iwasan ang paglabas dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases sa nasabing lugar.
Ang nasabing kautusan ay magtatagal ng 21 days hanggang bumaba ang kaso ng mga COVID-19 na dinadala sa iba’t-ibang pagamutan.
Ipapatupad ng 11 counties sa Southern California at 12 counties sa Central Valley ang kautusan ngayong weekend.
Ang mga apektadong California counties sa kautusan ay ang Los Angeles, Orange, Riverside, San Bernardino, San Diego, San Luis Obispo, Santa Barbara, Ventura, Imperial, Inyo at Mono.
Ang nabanggit na mga lugar aniya ay dapat isara ang mga personal services gaya ng hair and nail salons, playgrounds, family entertainment centers at campgrounds na puwedeng mag-overnight stay ang mga mamamayan.
Papayagan lamang ang restaurant na magbukas subalit dapat ay take-out service lamang.
Aabot na kasi sa halos 1.3- million ang kaso ng COVID-19 sa California at mayroong 19,451 na ang nasawi.