-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Tila impyerno na kung ilarawan ng ilang OFWs ang nangyayaring wildfire sa California bunsod ng lawak ng pinsala nito sa naturang estado.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Ann Ligo, OFW sa naturang lugar at tubong-Lutayan, Sultan Kudarat, tila gabi umano ang pakiramdam bawat araw dahil sa kapal ng usok na bumabalot dito, lalo na sa Bobcat na nakakaranas rin ng brush fire.

Maliban sa malawakang apoy, pinangangambahan rin nila ang patuloy na pag-iral ng dry season at ang pagdating ng malalakas na hangin na magpapalala pa sa naturang kalamidad.

Nabatid na umaabot sa 45 degrees celsius ang nararamdamang init ng mga mamamayan bunsod ng wildfire.

Kung matatandaan nagsimula ang wildfire sa gender reveal party sa San Bernardino kung saan ang mga paputok ang naging dahilan ng pagkalat ng apoy.