-- Advertisements --

Nagdeklara ng state of emergency ang California dahil sa labis na pagtaas ng temperatura.

Inilagay sa mataas na heat warning ang Arizona at California kabilang ang Nevada at Utah.

Pinayuhan din ng mga otoridad ang mga tao na manatili sa loob ng kanilang bahay at iwasan ang lumabas.

Ipinag-utos din nila ang mga naninirahan sa California na magtipid ng koryente dahil sa pagtaas ng temperatura na aabot sa 37 hanggang 43 degree Celsius.

Ayon kay California Gavin Newsom, magiging epektibo ang state of emergency hanggang Linggo para mabawasan ang strain sa energy infrastructure at para mapataas ang energy capacity.